1% tax relief malaking tulong sa private schools – Sen. Pia Cayetano
By Jan Escosio January 07, 2022 - 09:56 AM
Malaking kaluwagan sa mga pribadong paaralan ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11635, ayon kay Senator Pia Cayetano, lalo nga ngayon nanatiling matindi ang pandemya.
Sinabi ni Cayetano, nagtakda ang batas ng one percent preferential tax relief para sa lahat ng private schools hanggang sa Hunyo 30, 2023.
Nilinaw din sa batas ang kalituhan na nalikha sa nakasaad naman sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Diin ng senadora makatuwiran lang ang batas dahil sa kabila ng pandemya maraming pribadong paaralan ang patuloy na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga batang Filipino.
“We need to continue working with our partners in education for long-term solutions in terms of policy and budget, using strategic foresight and futures thinking to help this sector recover from the pandemic, and beyond,” sabi pa ni Cayetano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.