Pasay City General Hospital, full capacity na para sa mga pasyente ng COVID-19
Hindi na muna tatanggap ang Pasay City General Hospital ng mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. John Victor de Gracia, director ng Pasay City General Hospital, puno na kasi ang kanilang 40-bed capacity na nakalaan para sa mga pasyente ng COVID-19.
Naging full capacity aniya ang PCGH bandang 8:00, Miyerkules ng gabi, January 5, 2022.
Puno na kasi aniya ang isolation sa emergency room.
Bukod dito, sinabi ni de Gracia na hindi na rin muna sila tatanggap ng dagdag na pasyente na non-COVID.
Paliwanag ni de Gracia, 29 sa health workers sa PCGH ang tinamaan na rin ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.