Vaccination drive vs COVID-19 sa Bonifacio Shrine, umarangkada na

By Chona Yu January 06, 2022 - 02:21 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Umarangkada na vaccination drive kontra COVID-19 sa Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, booster shots ito para sa delivery workers, mga residente at hindi residente ng lungsod.

Aabot sa 10,000 doses ng bakuna ang nakalaan sa Bonifacio Shrine.

Pagtitiyak ni Moreno, hangga’t may nakapila, babakunahan ito ng tauhan ng Manila Health workers.

Binibigyan din ni Moreno ang mga nagpapabakuna na maging choosy at pumili ng brand ng bakuna.

Ayon kay Moreno, mayroon kasing nakaimbak na bakuna na gawa ng kumpanyang Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Sinovac.

“Natutuwa tayo na ‘yung ating mga kababayan ay tumutugon sa panawagan ng pamahalaang lungsod na talagang kailangan ng i-booster ‘yung mga bakunado. At biglang dumami ngayon ‘yung mga di tiga Maynila na pumunta rito para magpabakuna kasi talagang di na sila pwede sa mall kapagka hindi sila vaccinated,” pahayag ni Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na noong kasagsagan ng pagbabakuna, umaabot sa 40,000 hanggang 50,000 ang nababakunahan kada araw.

Pero nang bumaba aniya ang kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19, bumaba rin ang bilang ng mga nagpapabakuna at pumapalo na lamang sa 2,000 kada araw.

Nang tumaas naman aniya ang kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, muling tumaas ang bilang ng mga nagpapabakuna at pumalo sa 7,000 kada araw.

“Kasi yung Manila Health Department, nakakalat ngayon sa ating mga malls, sa ating mga community schools, sa ating mga health centers at lumobo by 200% yung load ng vaccination natin. Tapos kailangan pa natin kaharapin yung bilis ng impeksyon, kaya magkakaroon ng challenge sa ating mga malls, communities and schools. Kaya magtitiyaga lang tayo. Nagsabay-sabay ngayon dahil sa nerbyos siguro sa Covid-19. Di natin masisisi ang mga kababayan natin. Just the same, yayakapin natin hanggang kaya natin. In fact, hindi tayo tumigil sa bakunahan,” pahayag ni Moreno.

TAGS: BonifacioShrine, COVIDvaccination, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, BonifacioShrine, COVIDvaccination, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.