Mga hindi bakunadong passport applicant, ipagbabawal nang makapasok sa DFA satellite offices sa mga mall
Hindi na papayagang makapasok ang mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa COVID-19, kabilang ang mga menor de edad, sa Department of Foreign Affairs (DFA) Consular Offices (COs) at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa mga mall sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Alinsunod ito sa mga ipinatutupad na panuntunan ng mga mall ukol sa mga hindi bakunadong indibiduwal.
Paliwanag ng kagawaran, hindi maaring suwayin ang security at health protocols ng mga mall.
Abiso ng DFA sa unvaccinated applicants at mga menor de edad, suriin ang mga regulasyon ng mall bago magtungo para sa kanilang appointment.
Sinabi ng kagawaran na maari ring magpa-reschedule ng kanilang appointment pagkatapos makatanggap ng bakuna laban sa nakahahawang sakit o sakaling alisin na ng malls at mga lokal na pamahalaan ang entry restriction sa mga hindi bakunado.
Hiniling naman ng DFA ang kooperasyon ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.