Pangulong Duterte hinimok ang publiko na huwag iboto sa 2022 elections sina Pangilinan, Gordon
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na huwag iboto sa 2022 elections sina Senador Francis Pangilinan na kumakandidatong bise presidente at ang re-eleksyunistang si Senador Richard Gordon.
Sa ‘Talk to the People,’ binatikos ng Pangulo si Pangilinan dahil sa isinulong na batas na Juvenile Justice Welfare Act na naging dahilan para gumawa ng krimen ang mga bata.
Ikinadidismaya ng Pangulo ang mga bata na nasasangkot sa robbery at snatching.
Lumakas aniya ang loob ng mga bata na gumawa ng krimen dahil sa pagbibiggay proteksyon sa ilalim ng batas na isinulong ni Pangilinan.
Hindi kasi aniya ginamit ni Pangilinan ang kanyang utak.
Sinabi pa ng Pangulo na matagal na sa Senado sina Pangilinan at Gordon kung kaya tiyak na parehong utak lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.