Bank hacking, spam texts nais maimbestigahan sa Senado
Naghain ng resolusyon si Senator Sherwin Gatchalian para magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa Senado ukol sa mga insidente ng online bank hacking at spam text message.
Sinabi ni Gatchalian sa kanyang Senate Resolution No. 961, makatuwirang hakbang lamang na maimbestigahan sa Senado ang pagdami ng unauthorized bank transactions at text messages ukol sa mga sinasabing trabaho.
“There is a need for a more comprehensive investigation on these issues to enable us to come up with remedial legislation that will address the public’s concern over breach of their personal data and ascertain if banks, business establishments, and concerned regulatory agencies are implementing adequate security measures and controls as well as enforcing consumer redress mechanisms,” sabi pa ng senador.
Dagdag pa ng reelectionist senator, maaring kailangan na paigtingin pa ang pagpapatupad ng Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act, New Central Bank Act at iba pang mga kinauukulang batas.
“We have to ensure that the concerned agencies have ample powers to secure the protection of personal information and monies of the general public and if possible, prevent similar incidents from happening. There should be a law against local and global organized syndicates scamming ordinary Filipinos, especially overseas Filipino workers (OFWs), the unemployed, and vulnerable,” dagdag pa nito.
Binanggit nito ang hacking incidents sa ilang BDO accounts gayundin ang pagpapadala ng text message na nag-aalok ng kahina-hinalang trabaho, maging ang mga mensahe ng pagkakapanalo sa pa-raffle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.