Pilipinas, nakapagtala ng 5,434 na bagong kaso ng COVID-19
Malaki muli ang itinaas ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
5,434 kasi ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (January 4), pumalo na sa 2,861,119 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,809 o 1.0 porsyento ang aktibong kaso.
889 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 24,026 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,020 ang moderate, 1,546 ang severe, habang 328 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 18 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 51,604 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 611 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,779,706 o 97.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.