Sen. Go, umaasa sa pagbuo ng Disaster Resilience Department
Hindi nawawalan ng pag-asa si Senator Christopher “Bong” Go na magkakaroon ng katuparan ang isinusulong niyang Department of Disaster Resilience (DDR) sa pamamagitan nang pagpasa sa Senate Bill No. 205 o ang ‘Disaster Resilience Act.’
Paliwanag ni Go, layon ng isinumiteng panukala noon pang 2019 na matugunan ang mga hamon nang pagresponde ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mamamayan tuwing may mananalasang mapaminsalang kalamidad.
“I will not lose hope. Patuloy akong mananawagan. Maybe, at the proper time, ay maipapasa na rin ito dahil kailangan talaga natin ng cabinet-level na secretary […] para mas mabilis ‘yung koordinasyon between the national government agencies and local government offices,” sabi nito.
Sa ngayon, nakabinbin sa Senate Committee on National Defense ang naturang panukala.
Puna nito, maraming kinauukulang ahensiya na tumutugon kapag may kalamidad at aniya, ito ang nais niyang mapag-isa na lamang para sa mas mabilis at maayos na pagkilos.
Pagtitiyak pa ni Go, may pondo para sa pagbuo ng naturang bagong kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.