Pangungunahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang transition team ng Malacañang na mangangasiwa ng paglilipat ng kapangyarihan sa susunod na Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma Jr. na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabi na dapat ay maging maayos ang pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.
Mayroon na lamang nalalabing pitong linggo ang Administrasyong Aquino bago ang pagbaba sa pwesto ng Pangulo sa June 30.
Nakikipag-ugnayan na ang Malacañang kay Bong Go na siyang personal assistant ni presumptive President Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ng tagapagsalita ni Duterte na si Peter Laviña na abala ang kanilang grupo sa pagbuo ng overall transition committee, selection committee para sa mga pipiliing cabinet members, inauguration committee at policy group.
Inamin din ni Laviña na nagdagdag na sila ng security personnel para sa kaligtasan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
