Sta. Rosa, Laguna niyanig ng lindol; Intensities, naitala sa mga karatig-bayan
Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Sta. Rosa, Laguna Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southeast ng Sta. Rosa dakong 7:09 ng gabi.
Walong kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Alaminos, Sto. Tomas, San Pablo at Los Banos, Laguna
Intensity 2 – Calamba, Laguna; Talisay, Batangas
Instrumental Intensities:
Intensity 3 – Muntinlupa City
Intensity 2 – Carmona, Cavite; Makati City
Intensity 1 – Tagaytay City; Bacoor City; Las Pinas City
Ayon sa Phivolcs, walang napaulat na pinsala sa mga nabanggit na lugar.
Tiniyak din nito na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.