Quiapo Church, sarado hanggang Jan. 6

By Angellic Jordan January 03, 2022 - 02:32 PM

Pansamantalang isinara ang Quiapo Church mula January 3 hanggang 6, 2022.

Bahagi ito paghahanda sa darating na kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa January 9.

Maliban dito, tugon din ang naturang hakbang sa pagbabago ng alert level sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa Quiapo Church Facebook page, sinabi ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Rev. Fr. Douglas Badong na layon nitong bigyang daan ang pagsasagawa ng proper disinfection sa simbahan.

Magpapatuloy naman ang online livestreaming ng mga misa.

Muli namang bubuksan ang naturang simbahan sa publiko sa January 7.

Sa ngayon, nagsagawa na ng paglilinis sa ang kabuuan ng simbahan at paligid nito.

TAGS: InquirerNews, QuiapoChurch, RadyoInquirerNews, InquirerNews, QuiapoChurch, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.