‘ECQ restrictions’ sa mga hindi pa bakunado aprub sa Metro Manila mayors

By Jan Escosio January 03, 2022 - 10:37 AM

Nagkasundo ang lahat ng Metro Manila mayors na magpatupad ng mas mahigpit na protocols sa mga hindi pa bakunadong residente ng rehiyon.

 

Ito ang inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kasunod na rin ng pagdami muli ng COVID 19 cases sa National Capital Region.

 

Sinabi nito, hindi dapat lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado maliban na lang sa pagbili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

 

“Para  kang nag-ECQ only for the unvaccinated for their own protection,” sabi pa ni Abalos.

 

Simula ngayon araw hanggang sa Enero 15, iiral ang mas mahigpit na Alert Level 3 sa Metro Manila kasunod na rin ng biglang pagsirit ng kaso nitong nakalipas na Kapaskuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.