Sen. Ping Lacson natatakot na manakaw ang pondo ng bayan sa unang kalahati ng 2022

By Jan Escosio December 31, 2021 - 09:47 AM

May anim na buwan na lamang ang administrasyong-Duterte at ayon kay presidential aspirant Panfilo Lacson marami pang magagawa kung may konkretong pag-aksyon laban sa korapsyon.

 

Kasabay ito nang pagpapahayag ng kanyang pangamba na manakaw ang pondo ng bayan sa unang anim na buwan ng susunod na taon.

 

“Una, may Odette na dapat pagukulan ng pansin. Pangalawa, sa nalalabing buwan ng administrasyon, maraming kailangang tugunan lalo sa paggastos ng kaban ng bayan, pagbantay na iisa lang ang standard,” sabi pa ni Lacson.

 

Pinuna din nito ang magkaibang pamantayan ng administrasyon sa kanilang mga kakampi at kaaway ukol sa pagpapatupad ng mga programa.

Dapat aniya ay ipinatutupad ang batas sa lahat para maging malinaw ang direksyon na tatahakin ng Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi ni Lacson na malaki ang magagawa ng taumbayan para sa tunay na pagbabago at ito ay pamamagitan ng tamang pagpili sa mga susunod na lider sa papalapit na eleksyon.

 

“Dapat mag-discern tayong mabuti. Tayong lahat ang responsible kung sino mamumuno sa atin,” ayon pa sa standard-bearer ng Partido Reporma.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.