PRC: 79 sa 142 pasado sa Dec. 2021 Geologist Licensure Exam

By Angellic Jordan December 29, 2021 - 05:05 PM

Nasa 318 sa 1,454 examinees ang nakapasa sa Geologist Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Isinagawa ng Board of Geology ang naturang examination sa Maynila mula December 27 hanggang 29, 2021.

Idinaos ang three-day examination sa PRC Manila premises sa pamamagitan ng Computer-Based Licensure Examination System.

Nailabas agad ang resulta matapos ang huling araw ng naturang examination.

Gagawin via online ang registration para sa paglalabas ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration mula February 10 hanggang February 11, 2022.

Maaring magtungo sa www.prc.gov.ph at sundin ang mga sumusunod na instruction para sa initial registration.

Kinakailangang dalhin ang Oath Form o Panunumpa ng Propesyonal, notice of admission (para sa identification lamang), dalawang piraso ng passport-sized pictures (colored na may puting background at kumpletong name tag), dalawang set ng documentary stamps at isang piraso ng short brown envelope.

Sinabi ng PRC na antabayan ang anunsiyo ukol sa petsa at venue ng oathtaking ceremony para sa mga nakapasa sa naturang examination.

TAGS: GeologistLicensureExam, InquirerNews, PRC, RadyoInquirerNews, GeologistLicensureExam, InquirerNews, PRC, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.