Comelec, nagsagawa ng mock elections

By Chona Yu December 29, 2021 - 02:07 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng mock elections ang Commission on Elections (Comelec) sa 34 barangay sa buong bansa.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ito ay bilang paghahanda para sa nalalapit na 2022 presidential elections.

Kumpleto ang mock elections.

May checkpoints, may voter assistance desk, may balota at mga makina na magbabasa sa balota.

Kabilang sa mga lugar na ginawang mock elections site ang Tenement Elementary School sa Brgy. Western Bicutan, Taguig.

Ayon kay Jimenez, ginawa ang mock elections para masiguro na magiging maayos ang sistema sa araw ng elections.

Naglagay din aniya ang Comelec ng isolation polling place para agad ma-isolate ang sinumang masusuri na mayroong body temperature na 37.5 degree celsius pataas.

Dahil mock elections pa lamang, mga pangalan ng Hollywood stars ag ginamit na kandidato sa pagka-pangulo at iba pang national positions.

Halimbawa sa mga kandidato sa pagka-pangulo sina Ben Affleck, Jeniffer Aniston, Halle Berry, Selena Gomez, Angelina Jolie at Brad Pitt.

Sa pagka-bise presidente naman, ginamit ang mga sikat na Hollywood at NBA stars na sina Christian Bale, Mariah carey, Stephen Curry, Kevin Durant, Lebron James, Harry Styles.

Ilan sa mga pangalan sa pagka-senador sina Lady Gaga, Ariana Grande, hugh Jackman, Michael Jordan, Kim Kardeshian, Jennifer Lopez, Katy Perry, Ed Sheeran, Taylor Swift, Britney Spears, Kanye West at iba pa.

Para naman sa local positions, gumamit ang Comelec ng mga lokal na artista.

Halimbawa sa mga kandidato sa pagka-kongresista sina Kaye Abad at Patrick Garcia.

Kandidato naman sa pagka-mayor sina Maris Racal at sa pagka- vice mayor sina Gretchen Ho, Rico Blanco habang kandidato naman sa pagka-miyembro ng Sangguniang Panglungsod si Angel Locsin at Bea Binene.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, InquirerNews, JamesJimenez, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, InquirerNews, JamesJimenez, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.