‘Philhealth holiday’ ipinanawagan sa mga pribadong ospital sa bagong taon
By Jan Escosio December 28, 2021 - 10:43 AM
Sa unang araw pa lamang ng 2022 nais ng Private Hospitals Association of the Phils. Inc. (PHAPI) na ikasa ang ‘Philhealth holiday.’
Ayon sa grupo ng mga pribadong ospital, ang hakbang ay pagpapakita ng suporta sa balak ng maraming ospital na tapusin na ang kanilang ‘Philhealth accreditation.’
Nais ng PHAPI na tumagal hanggang Enero 5 ang ‘Philhealth holiday.’
“Ipapakita po namin na sinusuportahan namin itong mga hospital na ito na kumakalas [sa PhilHealth]. Ine-encourage namin sila na simula Jan. 1 hanggang Jan. 5 ay magkaroon muna ng tinatawag na PhilHealth holiday,” sabi ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng PHAPI.
Paliwanag niya sa pag-obserba ng ‘Philhealth holiday,’ limang araw na pansamantalang hindi tatanggap ang mga ospital ng ‘Philhealth deductions.’
Hiniling din niya sa publiko na intindihin ang kanilang sitwasyon sakaling matuloy ang naturang balakin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.