141 pasilidad pangkalusugan napinsala ng bagyong Odette
By Jan Escosio December 28, 2021 - 09:24 AM
Iniulat ng Department of Health na umabot sa 141 pasilidad pangkalusugan ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Odette.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga napinsalang pasilidad ay sa Regions IV-B, 6, 7 at Caraga at ang halaga ng mga pinsala ay umabot sa P195.4 milyon.
Kabilang sa mga naapektuhan ay 50 ospital, isang Center for Healtth Development, 45, barangay healyh stations, 41 rural healyh units, dalawang provincial offices, isang city health office at isang temporary treatment and monitoring facility (TTMF).
Nabanggit din ni Duque ang pagdami ng kaso ng acute gastroenteritis at diarrhea sa Dinagat Islands, Siargao at Cebu, na labis na nasalanta ng nagdaang bagyo.
Tiniyak naman ng kalihim na nakatutok sila sa mga naturang kaso, na nagmula sa maduming tubig, gayundin nagpadala na ng mga naturang gamot para sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.