Halos 7.5-M katao, nabakunahan sa ikalawang bugso ng vaccination drive
Halos 7.5 milyong katao ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa ikalawang bugso ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ mula December 15 hanggang 23, 2021.
Ayon kay Cabinet Secretary at presidential spokesperson Karlo Nograles, umabot sa kabuuang 7,497,902 COVID-19 doses ang naiturok.
Nahigitan nito ang inisyal na target na 7.3 milyong vaccination.
Pinakamaraming nabakunahan sa CALABARZON kung saan 1.2 milyong doses ang naibigay, sumunod ang Central Luzon (919,822 doses) at Western Visayas (658,805 doses).
Nagpasalamat naman ang Palasyo sa publiko para sa kooperasyon sa COVID-19 vaccination drive ng gobyerno.
Binati rin ni Nograles ang lahat ng medical frontliners at volunteers na nagsasakripisyo upang maraming mabigyan ng proteksyon laban ng nakahahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.