Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 280.33 milyon
Pumalo na sa 280.33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 280,332,696 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 53,222,424 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,789,397 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,239,436 naman ang kaso sa Brazil habang 11,891,292 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,392,020
– Turkey – 9,307,124
– France – 9,116,068
– Germany – 7,009,634
– Iran – 6,184,762
– Spain – 5,718,007
– Italy – 5,647,313
– Argentina – 5,460,042
– Colombia – 5,124,690
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,416,370 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 250,360,687 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.