Pagkakaisa, compassion at unity manaig sana sa Pasko–Senador Bong Go
Hangad ni Senador Bong Go ang pagkakaisa, compassion at unity ngayong Pasko.
Ayon kay Go, dapat na paigtingin pa ng mga Filipino ang diwa ng bayanihan at pakikipagtulungan lalo’t katatapos pa lamang ng panibagong sakuna sa bansa at ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Pagtitiyak ni Go, tiyak na malalagpasan ng bansa ang ano mang pagsubog dahil sa maayos na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Mahal kong mga kababayan, napakarami nating pinagdaanan ngayong taon, subalit, dahil sa ating patuloy na pagmamalasakit at pagbabayanihan, at sa maayos na pamumuno ni Pangulong Duterte, dahan-dahan na nating nakikita ang liwanag ng pag-asa upang tuluyang malampasan ang kasalukuyang pandemya,” pahayag ni Go.
Pangako ni Go, patuloy nilang pagsisilbihan ni Pangulong Duterte ang taong bayan.
Pursigido aniya ang administrasyon na bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.
“Patuloy ang paglilingkod namin sa inyo ni Pangulong Duterte upang makapagbigay tayo ng bagong pag-asa sa bawat pilipino. Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit,” pahayag ni Go.
Umaasa si go na magkakaisa ang bawat Filipino ngayong panahon ng Pasko.
“Nawa’y sa Paskong ito, mas lalo tayong magkaisa, magtulungan at magmahalan upang malampasan ang mga hamon ng buhay bilang isang mas matatag na bansa,” dagdag ni Go.
“Ako po ang inyong Kuya Bong Go na mainit at taus-pusong bumabati sa inyo ng isang maligaya at mapayapang Pasko at manigong at ligtas na Bagong Taon!” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.