Bayanihan ng mga Manileño sa Visayas, Mindanao tuloy pa rin
Nagpapatuloy ang isinasagawang Bayanihan ng mga Manileño para sa mga residente na nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Nabatid na namahagi ang volunteers ni Manila Mayor Isko Moreno ng food packs at bottled water sa ilang komunidad sa Cebu City, Lapu Lapu City at Consolacion.
Humigit-kumulang 3,000 pamilya ang nabigyan ng tulong mula sa Tulong Manileño relief operation.
Samantala, nagtungo din ang volunteers sa mga bayan ng Tagbilaran at Loboc sa Bohol para mamahagi ng food packs at folding beds.
Lubos ang pasasalamat ni Moreno sa mga nagpaabot ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.