Sen. Risa Hontiveros naghatid tulong sa mga biktima ng bagyo sa Visayas, Mindanao

By Jan Escosio December 22, 2021 - 06:04 PM

Binisita ni Senator Risa Hontiveros ang Southern Leyte, Negros Occidental, Agusan del Norte, Surigao del Norte at Dinagat Island para personal na maihatid ang mga tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

 

“Lubhang nakalulungkot na sa gitna ng pandemya,  kinailangan harapin ng mga kababayan natin itong isa pang trahedya. Sana sa pamamagitan ng kaunting tulong na ito ay mabawasan kahit paano ang kanilang hinagpis,” sabi ng reelectionist senator.

 

Pinuntahan ni Hontiveros ang mga bayan ng Maasin, Padre Burgos, at Sogod saSouthern Leyte, gayundin ang mga bayan ng Kabankalan at Himamaylan sa Negros Occidental.

 

Samantalang, magpapadala din ng tulong sa Bohol, Iloilo, Negros Oriental, at iba pang lugar sa Negros Occidental.

 

Sa Mindanao, mahahatiran ng tulong ang Surigao City sa Surigao del Norte, bahagi ng Agusan del Norte, at Dinagat Islands, kasama na ang pagbibigay ng water filtration systems.

 

Ang Healthy Pinas Mobile Clinic ni Hontiveros ay nakatakdang magbigay ng libreng serbisyong medikal sa Mindanao at Southern Leyte.

 

Pagtitiyak pa ni Hontiveros na magpapatuloy ang kanilang relief operations pagkatapos ng Araw ng Pasko sa Cebu, Misamis Oriental, at Cagayan de Oro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.