Sen. Sonny Angara: P20B sa 2022 national budget magagamit pantulong sa Odette victims

By Jan Escosio December 22, 2021 - 05:41 PM

NDRRMC / AFP PHOTO

Sinabi ni Senator Sonny Angara na maaring magamit ng administrasyong-Duterte ang P20 bilyon sa P5.024 trillion 2022 national budget.

Ibinahagi ito ni Angara matapos ianunsiyo ni Pangulong Duterte na maaring mahirapan ang pagbibigay pa ng pondo para sa biktima ng nagdaang bagyo dahil ubos na ang kaban ng bayan dahil sa pagtugon sa pandemya.

Ayon pa sa namumuno sa Senate Finance Committee kapag napirmahan na ni Pangulong Duterte ang 2022 budget ay may P20 bilyon na maaring magamit pangtulong para sa pagbangon ng mga biktima.

Dagdag pa ng senador maari din magamit ng administrasyon ang ‘savings’ sa kasalukuyang budget at kailangan lang ay ‘realignment’ para makatugon pa ang gobyerno sa nagdaang kalamidad.

Paliwanag nito, naaayon naman sa Saligang Batas ang ‘budget realignment’ at bahagi ito ng kapangyarihan ng pangulo ng bansa.

Una nang nangako din si Pangulong Duterte na bibigyan ng ayuda ang lahat ng mga biktima ng bagyong Odette at ang pondo ay magmumula sa Office of the President.

Nilinaw din niya na ang ibibigay na ayuda ay hindi calamity o contigent fund at agad din itong ipapamahagi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.