Manila LGU pinaghahandaan ang posibleng pagdami ng Omicron cases
Sinimulan na ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang todong paghahanda sa posibleng pagdami ng kaso ng Omicron variant ng COVID 19 sa bansa.
Unang nakipagpulong si Moreno kay Manila Chief City Health Officer Dr. Arnold Pangan kasama ang mga director ng anim na city hospitals, gayundin ang namamahala sa COVID 19 Field Hospital para sa paglalatag ng istratehiya.
“We have to prepare since Omicron could be worse than Delta. We should have sufficient hospital beds and medicines. Kailangang lalung pabilisin ang vaccination, including opening booster shots for everyone qualified after their second dose,” pahayag ni Moreno.
May nakahanda ng gamot kontra COVID-19 ang Manila gaya ng Remdesivir at Tocilizumab at 40,000 capsules ng Molnupiravir.
Nag upgrade na rin ang Manila sa mga ospital gaya ng 344-bed capacity na COVID-19 Field Hospital sa Quirino Gtandstand.
May mga modernong kagamitan na rin ngayon ang Sta. Ana Hospital na naging Infectious Disease Control Center na ng lungsod.
Ang DOH nakapagtala na ng tatlong kaso ng Omicron sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.