Positibo sa COVID-19 si Canadian Foreign Minister Melanie Joly.
Ito ay matapos sumailalim sa rapid test ang 42 anyos na si Joly.
Nasa isolation facility na ngayon si Joly at nagpapagaling.
Tiniyak naman ni Joly na tuloy ang kanyang trabaho kahit nasa isolation facility.
Una nang sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na nakatatakot ang biglang pagtaas ng kaso ng Omicron variant sa Canada.
Sa Quebec, ipinag-utos na ang pagsasara sa mga bars, gyms,casinos para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.