PAGASA, nagbigay-linaw ukol sa namataang LPA sa labas ng bansa
Naglabas ng pahayag ang PAGASA ukol sa binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kasunod ito ng mga kumakalat na post sa social media.
Ayon sa weather bureau, inaasahang papasok ang LPA sa teritoryo ng bansa sa December 23 o 24.
Bandang Sabado ng gabi (December 25), o Linggo ng umaga (December 26), maaring malapit ang nasabing sama ng panahon sa Mindanao.
May 30 hanggang 40 porsyentong tsansa na lumakas pa ang LPA at maging tropical depression.
Bunsod nito, inabisuhan ang publiko na maghanda at patuloy na tumutok sa mg abiso.
Dapat din anilang manatiling mapagmatyag laban sa mga hindi beripikadong impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.