Higit 500 pasahero stranded sa mga seaports sa Visayas, Mindanao

By Jan Escosio December 20, 2021 - 11:10 AM

PCG PHOTO

May higit 500 pasahero pa ang stranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao kahit nakalabas na ng bansa ang bagyong Odette.

Base sa datos na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), 580 pang pasahero kasama na ang mga drivers at pahinante ang hindi pa nakaalis ng mga pantalan sa North Eastern Mindanao, Eastern at Central Visayas.

Bunga ito nang hindi pa pagpayag ng PCG na makabiyahe ang 304 rolling cargo at iba pang sasakyang pandagat.

May 57 sasakyang-pandagat pa ang pansamantalang nasa mga ibat-ibang bahagi ng bansa na hindi muna pinabiyahe dahil sa bagyo, gayundin ang 37 motorbancas.

Katuwiran ng PCG, bahagi ito ng kanilang precautionary measures sa tuwing may masamang panahon.

Nagpapatuloy ang pag-monitor ng ahensiya sa mga pantalan gayundin sa lagay ng panahon para sa posibleng pagbiyahe na ng mga na-stranded na sasakyang pandagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.