Sen. Kiko Pangilinan sinabing dapat may ‘price freeze’ sa mga nasalantang lugar
Nanawagan na si Senator Francis Pangilinan sa gobyerno na agad nang magpatupad ng ‘price freeze’ sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Odette.
Aniya iyo ay para hindi makapagsamantala ang ilang negosyante dahil sa kakapusan ng suplay at bunga ng sitwasyon.
Dagdag pa ni Pangilinan, ito ay para din matiyak na makakabili ang mga tao ng kanilang mga pangangailangan sa kasalukuyang presyo at hindi na kailangan pa nilang maglabas ng karagdagang pera.
Paalala pa ni Pangilinan, awtomatikong iiral ang price control alinsunod sa Republic Act 7581 o ang Price Act kapag mat deklarasyon ng state of calamity o emergency.
“However, we urge the DTI not to wait for the declaration of local government units and immediately impose the price freeze given the wide area affected by the typhoon,” sabi pa nito.
Bagamat aniya nagdadagdag ng stocks ng supply ang mga pamilihan dahil sa Kapaskuhan, maaring maapektuhan na ito dahil maraming lugar ang nasalanta at libo-libo ang nangangailangan.
“Sinalanta na ng bagyo ang mga kababayan natin, huwag na silang mabiktima pa ulit ng mataas na presyo ng bilihin,” dagdag pa ng vice presidential candidate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.