Bahagyang lumakas ang Bagyong Odette habang palabas ng bansa.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 380 kilometers West Northwest ng Puerto princesa City, Palawan o 155 kilometers East ng Pagasa Islands, Kalayaan, Palawan.
Taglay ng bagyo ang hangin na 155 kilometers per hour at pagbugso na 190 kilometers per hour.
Nasa Signal Number 3 ang Kalayaan Islands.
Nasa Signal Number 1 naman ang western portion ng Palawan gaya ng San Vicente, Puerto Princesa City, Aborlan, Quezon, Rizal, Taytay, El Nido.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ngayong hapon.
Dahil sa bagyo, makararanas ng malakas na ulan ang Kalayaan Islands habang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa northern at eastern portion ng Cagayan, eastern portion ng Isabela, Apayao, Aurora at northern portion ng Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.