Patay ang 12 katao habang pitong iba pa ang naiulat na nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa ulat ni National Disaster risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad kay Pangulong Rodrigo Duterte, nasawi ang anim na katao sa Region 6 matapos mabagsakan ng puno at malunod.
Apat naman ang nasawi sa Region 7, isa sa Region 8 at isa sa Region 10.
Nasa 84,674 na pamilya o 338,664 na indibidwal ang inilikas sa Region 4B,6,7,8,9, at Caraga.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisitahin niya ang mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.