582 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas
Nasa 582 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (December 17), pumalo na sa 2,837,464 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 10,167 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.
4,015 sa active COVID-19 cases ang mild; 539 ang asymptomatic; 3,415 pasyente ang moderate; 1,815 ang severe habang 383 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 74 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 50,570 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 494 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,776,727 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.