Gobyerno, ’round the clock’ ang pagtatrabaho para sa mga biktima ng #OdettePH
‘Round the clock’ ang ginagawang pagtatrabaho ng pamahalaan para maayudahan ang mga nabiktima ng Bagyong Odette.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, nakatutok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“The Department of Social Welfare and Development has provided family food packs to disaster-affected families and continues to coordinate with affected local government units, to provide augmentation support and ensure that the immediate needs of our people are quickly addressed,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 83,026 pamilya o 332,855 indibidwal ang sumailalim sa pre-emptive evacuation sa Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, at CARAGA.
Nasa 4,989 ang naiulat na displaced families na kumakatawan sa may 14,680 persons na kasalukuyang nasa 192 evacuation centers sa Region 5, 6, 8, Region 10 at CARAGA.
Muli namang panawagan ng Palasyo sa mga apektadong residente, manatiling maging mapagmatyag at manatiling nakikipagtulungan sa mga awtoridad.
Sinabi pa ni Nograles na base sa pakikipag-ugnayan sa Deparrtment of Transportation (DOTr), hindi pa operational ang Mactan-Cebu Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.