Nakapasa na sa Senado ang panukalang kailangan irehistro ang subscriber identification module (SIM) cards.
Sa boto na 22-0-0, inaprubahan ng mga senador ang Senate Bill 2395 o ang panukalang SIM Card Registration Act.
Sinabi ni Sen. Grace Poe, ang nag-sponsor sa panukala, layon nito na matuldukan ang mga krimen na naisasagawa gamit ang cellphone, internet o iba pang electronic communication devices.
Ilan lamang sa nabanggit niyang krimen ay terorismo, text scams, mga malalaswang mensahe, bank fraud at pagpapakalat ng fake news.
“The measure establishes another layer of security protection for Filipinos which will hopefully deter criminals from perpetrating their wicked plans. It is high time that we beef up our own infrastructures to address these threats to security,” sabi ni Poe, na chairperson ng Committee on Public Services.
Nakasaad sa panukala, na bahagi na ng mandato ng public telecommunication entities (PTEs) na irehistro ang SIM cards bago pa man ito ipagbili at ma-activate.
Ang mga bibili ng SIM cards ay kinakailangan na mag-fill up ng registration form at kinakailangan nila na magpakita ng valid government ID.
Ang mga subscribers na may aktibo ng SIM ay kinakailangang makapagsumite ng kanilang registration form sa loob ng isang taon o posible na ma-deactivate ang gamit nilang numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.