Halos 4,500 na pasahero, stranded sa mga pantalan bunsod pa rin ng #OdettePH
Patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Odette.
Sa maritime safety advisory hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (December 16), stranded ang 4,477 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Central Visayas, Eastern Visayas, Bicol region, Western Visayas, at North Eastern Mindanao.
Maliban dito, stranded din ang 2,049 rolling cargoes, 87 vessels at apat na bangka.
Ayon sa PCG, nakararanas ng moderate to rough sea condition sa Bicol region at Central Visayas habang rough condition naman ang umiiral sa North Eastern Mindanao at Eastern Visayas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.