Hawaan ng Omicron variant sa loob ng bahay, mas malaki ang tsansa kaysa sa Delta – DOH
Mas malaki ang tsansa na magkahawaan ng Omicron variant sa loob ng bahay kaysa sa Delta variant ng COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na tinatarget ng Omicron ang mga household o sa loob ng pamamahay.
Base kasi aniya sa pag-aaral, nasa 19 porsyento ang hawaan ng Omicron variant sa household kumpara sa Delta na nasa 8.5 porsyento lamang.
Ito aniya ang dahilan kung kaya mahalaga na magpabakuna na ang bawat isa.
Sinabi pa ni Cabitaje na mayroon ding pag-aaral sa United Kingdom na mas malaki ang tsansa na matamaan ng omicron variant ang mga bata at mga matatanda na hindi bakunado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.