Mga sangkot sa pagpatay sa isang aso sa Malolos, Bulacan ipinaaaresto na
Ipinaaaresto na ng korte sina laban Christopher Enriquez at Julius Mendoza; ang dalawang indibidwal na sangkot sa pagpapalo at pagpatay sa isang aso sa Malolos, Bulacan noong Hunyo.
Sinabi ni AP Party-list Rep. Ronnie Ong na naglabas na ng warrant of arrest ang Malolos Municipal Trial Court branch 2 laban sa dalawa.
Sa ngayon, hindi pa umano nahuhuli ang dalawa.
Hindi dumalo sina Enriquez at Mendoza sa mga nakalipas na pagdinig sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.
Matatandaang nag-viral ang video ng dalawa, kung saan makikitang pinaghahampas nila hanggang sa mapatay ang isang Siberian Husky.
Aminado naman ang dalawa dahil napatay umano ng aso ang kanilang mga alagang manok.
Nag-alok naman ang mambabatas ng P50,000 pabuya para sa makakapag-bigay ng impormasyon ukol sa dalawang akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.