Isang liblib na barangay sa Cotabato makakatikim na ng Globe cellular technology
Mas pinalakas ng Globe ang kanilang service coverage sa Cotabato sa pamamagitan nang pagpapatayo ng karagdagang cell tower sa bayan ng Alamada.
Ang bagong cell tower ay matatagpuan sa sa bulubunduking barangay ng Dado, na ilang taon ng napagkaitan ng telecommunication service dahil sa kawalan ng pasilidad.
Ang bagong pasilidad ay may 4G LTE, ang fourth generation broadband cellular network technology, kayat ang 12,000 residente ng nabanggit na barangay ay magagawa nang magkapag-text, makatawag gamit ang mobile phone at makakapag-browse na sa internet.
“Nakaramdam po kami ng ginhawa kasi nakakatawag na kami, maka-internet na kami. Marami nang gustong tumira dito kasi may cell site na tayo ng Globe. Marami na ang ibang lugar na ma-contact natin. Malaki talaga ang pakinabang namin kasi natayuan kami ng tower ng Globe,” sabi ni Dado Punong Barangay Antonio Carmino, Sr.
Nangako ito na babantayan nila ang cellular tower at aniya gayundin ang kanilang gagawin kung magtatayo ang ibang telcos ng katulad na pasilidad sa kanilang lugar.
“As the Philippines moves towards digitalization, connectivity has become the lifeline of many Filipinos. We will continue to put up new cell sites in places that need them most to give equal opportunity to all,” sabi naman ni Globe SVP for Program Delivery Joel Agustin, na pinasalamatan din ang pagsuporta ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatayo nila ng telecom infrastructures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.