Panukalang pagbuo ng Department of Migrant Workers lumusot sa Senado
Naaprubahan na sa Senado sa third and final reading kagabi ang panukalang bumuo ng Department of Migrant Workers.
Pinaboran ng 20 senador na dumalo sa sesyon ang Senate Bill 2234 at labis itong ikinatuwa ni Sen. Joel Villanueva, ang namumuno sa Committee on Labor.
Sinabi nito na makasaysayan at napakahalga ng panukala at aniya isang pagpapala na naging bahagi siya ng Senado na nag-apruba nito.
Ayon kay Villanueva magandang regalo ngayon Pasko sa mga OFWS ang pag-apruba sa panukala.
Pinuri naman ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang pagkakalusot sa Senado ng panukala at partikular na pinuri si Villanueva.
“In my almost 24 years in the Senate, this is indeed one of the more difficult laws that we examined because of our desire to make sure that we do not uselessly spend public money for an expanded bureaucracy,” sabi nito.
Pinasalamatan din ni Sen. Christopher Go, isa sa mga awtor ng SBN 2234, ang mga kapwa senador at aniya walang angkop na panahon para ito ay aprubahan kundi ngayon Kapaskuhan.
“Mr. President, I would not want to lose this opportunity to congratulate all our kababayans overseas on this historic victory. Sa wakas, malapit na silang magkakaroon ng sariling departamento na mangangalaga sa kanilang mga karapatan at interes,” ang pahayag naman ni Sen. Ronald dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.