DepEd officials, teachers pinaalahanan sa electioneering at partisan politics

By Jan Escosio December 14, 2021 - 06:28 PM

Pinagbilinan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga opisyal, teaching and non teaching personnel na huwag sumawsaw sa politika lalo na ngayon nalalapit na ang eleksyon.

 

Paalala ng DepEd, nakasaad sa Saligang Batas, gayundin sa regulasyon ng Civil Service Commission at Comelec, ang mga opisyal at kawani ng gobyerno ay hindi maaring masangkot sa electioneering at partisan political activity.

 

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, nakalista sa Department Order No. 48 series of 2018, gayundin sa resolusyon ng CSC ang mga ipinagbabawal na gawain.

 

“Guided by these policies, we call on our personnel and stakeholders to champion a clean, safe, and fair elections in 2022, for our children and for the future of this nation,” ayon pa sa naturang pahayag.

 

Kinakailangan, ayon pa sa DepEd, hindi masangkot ang kanilang mga opisyal at tauhan sa pulitika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.