Resulta ng halalan, tanggap ng Palasyo

By Alvin Barcelona May 10, 2016 - 04:24 PM

Herminio-Coloma-1211Tinatanggap at iginagalang ng Malacañang ang naging boses ng sambayanang pilipino.

Ginawa ito ng palasyo sa harap ng paglabas ng malinaw na nanalo sa presidential at vice presidential race.

Samantala, base sa pagtaya ng Malacañang, naging maayos sa pangkalahatan ang pagdaraos ng eleksyon sa buong bansa.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., sinubaybayan ni Pangulong Aquino ang lahat ng mga pangyayari sa buong maghapon kahapon mula sa situation room sa Malacañang park.

Base aniya sa assesmant ng mga security forces na deputado ng Commission on Elections (COMELEC) sa pangunguna ni Armed Forces of the Philippines (AFP) acting chief of staff Glorioso Miranda, bagamat may mga naitala na ilang insidente sa ilang lalawigan, sa pangkalahatan, naging maayos at mapayapa ang halalan.

Batay naman sa datos ng COMELEC, nakapagtala sila ng 81 percent na voters turn out na isang magandang senyales sa kasiglahan ng demokrasya at aktibong partisipasyon ng mamamayan sa eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.