PCG, naghahanda na sa pagpasok sa bansa ng #OdettePH
Naghahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpasok ng Bagyong Odette sa bansa.
Inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Leopoldo Laroya ang District, Station, at Sub-Station Commanders sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Pinahanda ni Laroya ang evacuations, rescue operations, at relief missions, katuwang ang local government units.
Nagbaba naman ng direktiba ang PCG Commandant sa Coast Guard units sa Caraga at Western Visayas regions na agad ikasa ang deployable response groups (DRGs) at quick response teams (QRTs), at mag-inspeksyon sa search and rescue (SAR) assets at iba pang kagamitan.
“Let us monitor closely and coordinate proactively to ensure the safety of lives so we could all celebrate Christmas with our families and loved ones,” pahayag ni Laroya.
Alinsunod dito, lahat ng PCG vessels ay ‘ready for sail’.
Inihahanda na rin ng Station and Sub-station Commanders sa mga maaapektuhang lugar ang paglalabas ng maritime safety advisories sa mga mangingisda, ship crew, at iba pang maritime stakeholders.
Tutulong naman ang PCG units sa mga lugar na hindi maaapektuhan ng bagyo sa PCG Auxiliary para sa pag-repack ng pagkain, medical supplies, hygiene kits, at iba pang relief packages.
“We all know the drill. I am confident that our men and women will be able to serve our fellow kababayans with patriotism, compassion, and fear of God. Let us all pray for the safety of our first responders so they could serve those who are in need,” saad nito.
Sa datos ng PAGASA, maaring pumasok ang severe tropical storm sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng gabi, December 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.