Publiko pinag-iingat ni Pangulong Duterte sa Bagyong Odette
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na mag-ingat sa Bagyong Odette.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na dapat na mag-antabay ang publiko sa lagay ng panahon.
Kung kinakailangan, mas makabubuting lumikas para masiguro ang kaligtasan.
“Nandiyan naman ‘yan. Iyong dadaanan ng bagyo lumalabas diyan sa news — newspaper pati sa TV. All you have to do is to watch TV and makita mo ‘yung trajectory, ang takbo ng bagyo. So kung malapit kayo diyan, medyo umalis na muna kayo, especially if the PAGASA, the weather bureau would say umalis kayo diyan sa lugar na ‘yan kasi diyan tatama. Iyong precautions, anuhan lang ninyo, sundin lang ninyo. Tagalog na man ito,” pahayag ng Pangulo.
Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na maghanda sa bagyo.
“So wala sigurong biyahe ngayon. I direct our government agencies and LGUs as well as to urge our countrymen, especially those who are on or near its projected path, to keep monitoring the situation and conduct all necessary preparations and precautions,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.