Expansion ng limited face-to-face classes sa kolehiyo hindi na kailangan aprubahan ni Pangulong Duterte
Hindi na kakailanganin pa ang pag-apruba ni Pangulong Duterte kung maari nang palawakin pa ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes at ibang aktibidad sa kolehiyo.
Ito ang sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy de Vera at aniya noon pang nakaraang taon ay napapag-usapan na ang pagbabalik eskuwela sa ilang klase sa kolehiyo.
Nabanggit ni de Vera na nabuo ang Flexible Learning curriculum para sa lahat ng higher education institutions (HEIs) noong 2020.
Sinabi pa nito na noong nakaraang taon din ay hiniling na niya sa Inter Agency Task Force (IATF) na aprubahan ang polisiya para sa limited face-to-face classes sa mga unibersidad at kolehiyo.
“The Commission recognizes that at some point in time, we need to reconsider in higher education institutions for all activities inside our universities,” sabi pa ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.