Paggasta sa 2021 national budget hanggang Disyembre 2022, lusot sa Senado

By Jan Escosio December 13, 2021 - 08:41 PM

Wala sa 22 senador na dumalo sa Paggasta sa 2021 national budget hanggang Disyembre 2022 lusot sa Senado

Wala sa 22 senador na dumalo sa sesyon ngayon araw ang tumutol sa House Bill 10373 para maggasta pa hanggang sa Disyembre sa susunod na taon ang 2021 national budget.

Sinabi ng mga senador na kapag naging ganap na batas ang panukala, magagamit na ng mga ahensiya ng gobyerno ang pondo na nailaan sa kanila sa taong 2021.

Ito anila ay para sa mga programa at proyekto at para matiyak na mapapakinabangan ito ng mga kinilalang benepisaryo.

Kinilala ng mga senador na dahil sa pandemya dulot ng COVID-19, naapektuhan din ang pagpapatupad ng maraming programa, proyekto at aktibidad ng gobyerno.

Una nang sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sisikapin nila na maratipikahan ang bicameral conference committee report ng P5.024-trillion 2022 national budget bago ang Christmas break ng Kongreso.

TAGS: 2021budget, 2022budget, HouseBill10373, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 2021budget, 2022budget, HouseBill10373, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.