Murang internet access, gamot sa mabagal na pagkasa ng free public wifi – Sen. Marcos
Itinutulak ni Senator Imee Marcos ang murang internet access para sa mga hikahos, para mas maraming Pinoy ang makapagtrabaho, makapag-aral at makapag-negosyo sa online.
“Kung nagbibigay ng ‘lifeline rates’ o mga diskwento sa mga konsyumer ng tubig at kuryente, bakit hindi tayo makapagbigay ng kaparehong diskwento para sa internet access?,” diin ng senadora.
Paliwanag pa ni Marcos, kailangan ang ‘socialized pricing mechanism’ para sa akmang presyo para sa mga hikahos ang solusyon sa gitna ng mabagal na pagpapapalawak ng libreng wifi sa mahihirap na lugar, na puwede nang ipatupad ng gobyerno at mga kompanya ng telekomunikasyon, ayon sa Senate Bill 2012 o ang “Public Telecommunications Policy Act of the Philippines.”
Nakasaad na sa panukla nito na ang lifeline rate para sa broadband at tagal ng paggamit ng data ayon sa pagkonsumong hindi bababa sa one gigabyte (1GB) kada buwan.
“Ang mga mababa lang ang kita na gumagamit ng internet ay mas nangangailangan ng higit sa mga paminsan-minsang mga mobile promo, lalo na’t nagiging pangunahing pangangailangan na rin ang internet katulad ng tubig at kuryente. Magiging permanente na ang mga work-from-home, online classes, e-commerce at internet banking,” sabi pa ng namumuno sa chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.
Nasa ika-48 na puwesto ang Pilipinas sa 110 bansa sa Digital Quality of Life Index 2021, ranggong pinababa ng mahal na internet, ayon sa Surfshark, isang cybersecurity firm na base sa Netherlands.
Sa iba pang apat na criteria, nasa pang-20 ang ranggo ng Pilipinas pagdating sa kalidad ng internet, pang-30 naman sa internet security, pang-63 sa e-infrastructure at pang-67 sa e-government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.