Joseph “Erap” Estrada, nai-proklama nang alkalde ng Maynila

By Mariel Cruz May 10, 2016 - 02:33 PM

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Naiproklama na ng Commission on Elections (COMELEC) si Manila Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Nakakuha si Estrada ng boto na 283,149 habang 280,464 ang nakuha ng katunggaling si Alfredo Lim.

Si Cong. Amado Bagatsing naman na una nang nagconcede ay nakakuha ng 167,829 na boto habang sa pagka vice mayor naman ay panalo si Honey Lacuna.

Dumating si Estrada sa Rizal Stadium kaninang alas dose ng tanghali kasama ang kanyang mga anak na sina Sen. JV Ejercito at Jake Ejercito.

Sa panayam kay Estrada, sinabi nito na mas dodoblehin pa niya ang kanyang pagsusumikap na mas mapaganda ang Maynila at mas mapaigting ang peace and order sa lungsod.

Hindi naman ikinagulat ni Estrada na naging dikit ang kanilang laban ni Lim.

Nagbigay naman ng mensahe si Estrada kay Lim kung saan sinabi nito na panahon na para magretiro na ito at magpahing sa pulitika.

Samantala, bandang 12:40pm nang dumating ang hinihintay na may dala ng pinaka huling SD card na kukumpleto sa official count ng mga boto sa lungsod bagay na nagpatagal sa pagpoproklama kay Estrada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.