Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 12,169
Nasa 562 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 9), pumalo na sa 2,835,996 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 12,169 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.
4,838 sa active COVID-19 cases ang mild; 851 ang asymptomatic; 3,857 pasyente ang moderate; 2,177 ang severe habang 446 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 176 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 49,936 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 882 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,773,891 o 97.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.