Transgender, wagi bilang kongresista sa Bataan

By Jimmy Tamayo May 10, 2016 - 12:49 PM

Geraldine RomanGumawa ng kasaysayan sa 2016 Philippine Elections ang kauna-unahang transgender politician na si Geraldine Roman.

Nagwagi si Roman bilang kongresista sa unang distrito ng lalawigan ng Bataan sa katatapos na halalan kahapon, May 9.

Siya ang kauna-unahang transgender woman na naluklok bilang kinatawan ng kongreso.

Base sa partial unofficial results, nakakuha na si Roman ng 104,287 votes (62%) sa kanilang distrito laban sa karibal nitong si Danilo Malana na nakakuha ng 63,881 votes (38%).
Sa kanyang pagpasok sa pulitika, sinabi ni Roman na ang pagtakbo niya ay hindi para umeksena lang o magpa-pansin kundi para ipagpatuloy ang legacy ng kanyang mga magulang. “At the start, my opponents are trying to convert my gender into an issue and it turns out that people don’t mind,” ani Roman.

Iginiit pa niya na ang pagtakbo sa kongreso ay hindi isyu ng kasarian kundi isyu kung sino ang makakatulong sa bayan. “People look beyond the gender and look at what you offer and what’s in your heart.” Dagdag pa niya.

Si Roman, na 49 anyos ay tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party at anak ni dating Congressman Antonino Roman na naging mambabatas mula 1998 hanggang 2001.

Sumailalim siya sa sexual realignment surgery noong 1990 at 18 years ng kasal sa kanyang Spanish partner.

May hawak rin siyang dalawang master’s degree at naging editor ng Spanish News Agency.

Ang unang distrito ng Bataan ay binubuo ng Abucay, Dinalupihan, Hermosa, Morong, Orani at Samal.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.