Palasyo umaasa sa kooperasyon ng pribadong sektor sa Bayanihan, Bakunahan 2.0
Kinilala ng Malakanyang ang malaking tulong ng pribadong sektor sa pagkasa ng Bayanihan, Bakunahan.
Bunga nito, ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, umaasa sila na sa pag-ulit ng mass vaccination rollout sa darating Disymebre 15 hanggang 17, muling magiging aktibo ang pribadong sektor.
Kabilang aniya sa malaking ambag ng pribadong sektor ay ang pagpapagamit ng kanilang mga pasilidad para maging vaccination site.
Bukod dito, nagbibigay din ng kanilang mga kawani ang pribadong sektor para makatulong sa malawakang bakunahan.
Patuloy aniyang nakikiusap ang Palasyo sa pribadong sektor na makipagtulungan sa gobyerno para tuluyang matuldukan ang pandemya sa COVID 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.