Free legal aid center pinasimulan ni Sen. Francis Tolentino
Bukas, Disyembre 8, ay magsisimula nang tumanggap ang Philippine Legal Justice Center (PLJC) ng mga nais ng libreng legal assistance.
Itinatag ni Sen. Francis Tolentino ang PLJC para mabigyan ng libreng tulong pang-legal ang mga mahihirap, overseas Filipino workers, gayundin ang mga katutubo at kanilang komunidad.
Kabilang sa libreng serbisyo sa PLJC ay ang pagbibigay ng payo, drafting of legal instruments, hanggang sa pagrepresenta sa mga korte at iba pang institusyon.
“The program aims to instill civic consciousness through social engagement among members of the Bar by instituting a legal clinic and serving the community and the country through pro bono legal work,” sabi pa ni Tolentino.
Dagdag pa ng senador na layon na rin ng kanyang programa na maitaguyod ang karapatan ng lahat para sa mabilis na paglilitis at patas na paggagawad ng hustisya.
Pinuri na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang adbokasiya ni Tolentino, na sinabing ang unang magbubukas ay ang PLJC sa lungsod ng Maynila at susundan ito sa ibat-ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Samantala,makikipagtulungan din ang PLJC, ayon pa rin kay Tolentino, sa mga kilalang law schools sa bansa para makapagbigay ng practical legal trainings at internship sa mga estudyante ng abogasiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.